Sunday, August 26, 2007

Another chance...


Pagkakataon

08/19/07

written by: phnas


Pagkakataon and aking hiling
Para simulan muli itong pangarap
Minsang pagsuko’t pagkakamali
Ay kalimutan kasama ng mga ulap

Tiwala sa sarili ang kailangan
Tatag ng loob at pananampalataya
Sipag at tiyaga ang panlaban
Sa hamo’t pagsubok na nakaamba

Panahon na para tumayo sa sariling mga paa

Patunayan sa sarili na kayang-kaya
Tuparin ang ninanais at ikaliligaya
Di dapat sumuko sa isang kisap-mata
Tuloy-tuloy lang hangga’t may pag-asa

Kapag nadapa, tumayo’t magsimula
Nang walang takot at pangamba
Paulit-ulit man at nakakasawa
Magkamali at matuto ang mahalaga

No comments: